Kaalaman ng mga Mag-Aaral sa Karunungang-Bayan

Authors

  • Gabriel L. Abduraya
  • Jeoan T. Bitar
  • Kristine Faith A. De Los Reyes
  • Ricah Mae G. Ogahayon
  • Ma. Leni C. Francisco, Ph.D
  • Romuel M. Alcantaradas, Ph.D.

Keywords:

Kaalaman, Karunungang Bayan, Mag-aaral

Abstract

Nilayon ng pag-aaral na ito na masuri ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa karunungang bayan sa kolehiyo ng edukasyon sa isang unibersidad sa Lungsod ng Bacolod, sa lalawigan ng Negros Occidental sa unang semestre sa Taong Panuruan 2023-2024. Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay and isangdaan at pitumpu’t pito (177) mag-aaral sa kolehiyo ng edukasyon sa ikalawang taon. Ginamit ang talatanungan na sariling gawa ng mananaliksik, na dumaan sa prosesong Katumpakan at kahusayan, ang instrumentong ginamit. Deskriptibong at komparatibong iskemang analitikal ang ginamit sa pagsusuri ng mga datos na gamit ang estadistikang  frequency count, percentage, mean, Mann-Whitney U test. Lumabas sa resulta na may mataas na antas ang kaalaman ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng edukasyon sa ereya ng salawikain, bugtong, palaisipan, kwentong bayan. Samantalang mayroong makabuluhang pagkakaiba naman  sa antas ng kaalaman sa karunungang bayan sa ereya ng bugtong, palaisipan at kwentong bayan kung ipapangkat at ihahambing ayon sa programa. Kailangang lubos na maunawaan ang kahalagahan ng karunungan-bayan sa ereya ng salawikain, bugtong, palaisipan at kwentong bayan dahil ito ay isa sa mga mahalagang kultura ng ating bayan wari’y naisasawalang bahala nalang ng karamihan. Ang pag-aaral na ito ay nananawagan para sa pagbuo ng mas komprehensibong programa sa pagtuturo ng karunungang-bayan na magbibigay-diin sa mas epektibong paraan ng pagkatuto, paggawa ng mga aktibidad na nakapokus sa pagsasabuhay ng karunungang-bayan, at pagpapalakas ng pagsasanay ng mga guro sa pagtuturo upang mas maipahayag nila ang kahalagahan nito bilang bahagi ng pambansang pagkakakilanlan.

Downloads

Download data is not yet available.

Published

2025-01-15

How to Cite

Abduraya, G., Bitar, J., De Los Reyes, K. F., Ogahayon, R. M., Francisco, M. L., & Alcantaradas, R. (2025). Kaalaman ng mga Mag-Aaral sa Karunungang-Bayan. Pantawan, 1(1). Retrieved from https://stiwnu-journals.org/index.php/pantawan/article/view/93