Suliranin ng mga Mag-Aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon sa Pagpapakitang-Turo: Batayan sa Pagbuo ng Planong Interbensyon

Authors

  • Rona A. Austero
  • Arienne Kaye L. Batislaon
  • April Lyn M. Hechanova
  • Angel Mae P. Palacios
  • Sheryl C. Yaman
  • Ma. Leni C. Francisco, Ph.D
  • Julie Ann A. Aldivera, MAEd

Keywords:

Suliranin, Pagpapakitang turo, Banghay Aralin, Kagamitang Pampagtuturo, Kolehiyo ng Edukasyon

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang antas ng suliranin ng mga mag-aaral sa pagpapakitang turo sa Kolehiyo ng Edukasyon sa isa sa mga unibersidad ng lungsod ng Bacolod, Negros Occidental sa unang semestre sa taong panuruan 2023-2024, bilang batayan sa pagbuo ng planong interbensyon. Nilalayon nitong masuri ang mga suliranin na kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagpapakitang turo ayon sa mga sumusunod na ereya: Banghay Aralin,Kagamitang, Pampagtuturo, Pamaraang Pampagtuturo, Pamamahala sa Klase. Deskriptibong at komparatibong iskemang analitikal ang ginamit sa pagsusuri ng mga datos na nakalap, at estadistikang ginamit ay ang frequency count, percentage, mean, Mann-Whitney U test. Ang pagbuo ng isang malinaw at epektibong planong interbensyon ay isasakatuparan upang matugunan ang mga nasabing suliranin at mapabuti ang kasanayan ng pagpapakitang-turo ng mga mag-aaral. Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral ay sariling gawa ng mga mananaliksik. Natuklasan sa pag-aaral na ang pagbuo ng banghay-aralin ang pinakamataas na antas ng suliranin lalo na sa aytem na pagpili ng akmang paksa. Samantala,walang makabuluhang pagkakaiba na umiiral sa antas ng suliranin ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng edukasyon sa pagpapakitang turo kung ipapangkat at ihahambing ayon sa mga nabanggit na mga baryabol na edad, lebel at kabuuang kita ng pamilya. Batay sa natuklasan nagbigay ng mungkahi ang mga mananaliksik na bigyang pansin ng mga guro ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pabuo ng banghay-aralin at pagpili ng akmang paksa na may kalakip na istatehiyang gagamitin. Magsagawa ng seminar-workshop na magdagdag kaalaman sa mga istratehiya at makabagong teknik sa pagtuturo.

Downloads

Download data is not yet available.

Published

2025-01-15

How to Cite

Austero , R., Batislaon, A. K., Hechanova, A. L., Palacios, A. M., Yaman, S., Francisco, M. L., & Aldivera, J. A. (2025). Suliranin ng mga Mag-Aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon sa Pagpapakitang-Turo: Batayan sa Pagbuo ng Planong Interbensyon. Pantawan, 1(1). Retrieved from https://stiwnu-journals.org/index.php/pantawan/article/view/97